dnddmjuno:

Ayun! Badtrip.

Kaka-out ko lang sa garena plus ngayon. Nabadtrip kasi ako sa kalaro namin. 

Apat kaming magkakasama sa shop namin na naglalaro ng Dota. Yung isa naka-map hack pa. Si Crystal Maiden yung ginamit ko kanina tapos yung mga kasama ko si Lifestealer, Goblin Shredder, Naga Siren at Nevermore. Okay naman silang kasama maglaro kaso nakakaasar kasi nang-iiwan sila ng support. At ito pa, di ba may naka-map hack? Hindi man lamang sya magsabi kung may darating na Scourge sa lane ko. At kapag clash lagi akong naiiwan, eh support nga ako at int type si Rylai kaya malambot lang sya. Sa sobrang badtrip ko, nagquit nalang ako.

Nakakaasar lang yung mga ganung tao. Ngayon nalang kasi ako nakalaro ng dota after a week tapos ganun ganun nalang. HAY. 

Note: Hindi ko alam na nakamap-hack na sya. Tsaka ko lang nalaman nung may na first blood na.